Sorry ngayon lang ako nabigla dito. Grabe naman yung 900+ buwan buwan na admin charges. Maliit lang siguro sa iba, pero para sakin na nagttrabaho ng bongga para makabayad para sa Sunlife ng mother ko, malaking bagay na to sakin.

Mali ko siguro hindi ako nag research mabuti bago kumuha at nagtiwala na lang ako sa mga good things na sinabi sakin ng friend kong FA. Although, nabanggit naman sakin na syempre yung investment side ay nakadepende sa market. Pero sabi nila sa mga blue chip companies pang sila nag iinvest para stable yung profit kumbaga. May table pa sila pinakita na by this year ganto na ang fund value mo keme keme. More or less my idea naman ako na hindi exact figure ang lalabas, pero bakit parang pababa lang ng pababa yung fund value, ni hindi tumaas ever since nag start ako magbayad?😭

Napapaisip tuloy ako if wise ba na i pullout ko na lang and just mag focus na lang sa health plan for my mother and wag na mag invest dahil I don't think I have the grit to just accept that some amount of my hard earned money mapupunta lang sa upkeeping ng policy. 😭 or pwede bang i keep na lang yung health/accident benefit and remove the investment side ng policy? 🤔

Wala na kasi yung FA friend ko sa Sunlife. Yung pumalit na agent hindi naman sumasagot. 😢

submitted by /u/TheOrangeGirl-87
[comments]

See also  Should I keep my whole life policy? ($350 Ann. payment, $150k)